Mid-year cash gift sa seniors ng Makati ipamamahagi sa Hunyo 10-15

ABS-CBN News

Posted at Jun 09 2019 04:12 PM

MAYNILA — Simula Lunes, Hunyo 10, ay mag-uumpisa na ang pamamahagi ng mid-year cash gift para sa nasa 84,111 miyembro ng Blu Card Program ng lokal na pamahalaan ng Makati City.

Ang Blu Card Program ay isang programa ng Makati City para sa kanilang senior citizens. 

Ang Elderly Welfare Section ng Makati Social Welfare Department (MSWD) ang magsasagawa ng pamamahagi.

Gaganapin ito sa bawat barangay hanggang Sabado, mula alas-9 umaga hanggang alas-3 ng hapon.

Ang taunang cash gift ay ibinibigay 2 beses sa isang taon, tuwing Hunyo at Disyembre, at nagkakaiba depende sa pangkat ng edad: 

  • P3,000 para sa may edad 60-69 
  • P4,000 para sa may edad 70-79 
  • P5,000 para sa edad 80 pataas

Hinati sa 2 beses ang pamamahagi ng cash gift.

Para sa 2019, P533 milyon ang inilaan ng Makati City para sa cash gift at centenarian incentive sa ilalim ng Blu Card Program.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.