Halos P3/litro na rollback sa langis ipapatupad simula Martes

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 06:01 PM

Namumuro ang malakihang rollback sa ilang produktong-petrolyo, na papalo sa halos P3 kada litro. 

Unang nagpatupad ng bawas-presyo ang Phoenix Petroleum na epektibo mula alas-6 ng gabi ng Sabado. 

  • Gasolina → P2.60/litro
  • Diesel → P2.75/litro

Batay sa tantiya ng ilang taga-industriya, maglalaro sa P2.70 hanggang P2.80 ang bawas sa diesel, P2.60 hanggang P2.70 naman sa gasoline, habang P2.50 hanggang P2.60 naman sa kerosene. 

Paliwanag ng mga eksperto, biglang bumagsak ang presyo ng imported na petrolyo dahil sa pangamba ng "global recession" o pagbagal o pagbagsak ng ekonomiya ng mundo dahil sa "trade war" ng Amerika at Tsina. 

Pero ayon pa sa mga eksperto, nakabawi rin ang presyo sa world market pagdating ng Biyernes kaya posibleng magiging pataas ang presyo sa susunod na linggo. — Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.