Dating alkalde sa Nueva Ecija inaresto ng CIDG sa kasong graft

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2019 09:39 AM

MAYNILA – Arestado ang dating alkalde ng Science City ng Muñoz sa Nueva Ecija kaugnay ng kasong graft.

Biyernes nang arestuhin ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Nueva Ecija police si dating mayor Efren Alvarez, na kapatid din ng kasalukuyang alkalde ng lungsod.

Sa ulat ng pulisya, nagsagawa ng manhunt operation ang mga operatiba at natunton si Alvarez sa Bayuga Street, Barangay Poblacion South, Muñoz.

Nasa kustodiya na ng CIDG si Alvarez.

Taong 2009 nang hatulang guilty ng Sandiganbayan si Alvarez sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act kaugnay sa maanomalyang pagpapatayo ng isang shopping mall sa lupang pag-aari ng gobyerno sa Muñoz.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.