Bata sugatan sa pagsabog ng granada sa Basilan

ABS-CBN News

Posted at Jun 08 2018 12:04 AM

Sugatan ang isang 12 anyos matapos sumabog ang napulot na granada sa Barangay Banah, Tipo-Tipo, Basilan nitong Huwebes ng hapon.

Agad isinugod sa ospital si Merham Berhamin matapos magtamo ng sugat sa iba't ibang parte ng katawan.

Ayon sa paunang ulat, natagpuan umano ni Berhamin ang isang live ammunition ng M203 grenade launcher at pinaglaruan ito na naging dahilan ng pagsabog.

I-refresh ang pahinang ito para sa karagdagang detalye.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.