Amerikano timbog sa Davao City dahil sa umano'y pedophilia

ABS-CBN News

Posted at Jun 07 2019 03:09 PM

Timbog sa Davao City ang isang Amerikano na wanted sa Connecticut, USA dahil sa panghahalay at pagkakasangkot umano sa child pornography.

Kinilala ang suspek na si Jason Eric Keller, 33, na naaresto mismo sa loob ng Bureau of Immigration (BI) district office sa Davao habang sinusubukang mag-apply ng tourist visa extension. 

Dumating sa Pilipinas si Keller noong Pebrero 2017. 

Batay sa rekord na nakalap ng BI, dawit si Keller sa kaso ng rape ng isang bata at pagtanggap umano ng mga child pornography materials. 

Disyembre 2018 nang mag-isyu ng warrant of arrest ang US district court sa Connecticut laban kay Keller. 

Nakakulong ngayon si Keller sa holding facility ng BI-Davao City.

Inaasikaso na ng BI ang pagpapa-deport sa suspek.

—Ulat ni Johnson Manabat, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.