VIRAL: Lalaki kinagat ng daga sa sinehan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 08:44 PM | Updated as of Jun 06 2019 10:03 PM

Umani ng libo-libong likes at shares ang post tungkol sa isang lalaki nang makagat umano ito ng daga sa loob ng sinehan sa isang mall sa Iloilo City nitong Miyerkoles.

Watch more in iWant or TFC.tv

Ayon sa netizen na si Kenjie Jalagpas, magsisimula na ang pelikula nang biglang may sumigaw na lalaki. Agad silang humingi ng saklolo sa security guard.

Sa pahayag na ipinalabas ng sinehan, sinabi nilang agad silang nagpadala ng emergency response team at ginamot ang kostumer.

Iimbestigahan umano nila ang nangyari.

"Our Emergency Response Team was immediately on site and took the customer to the nearby hospital. An investigation into the matter is ongoing," anila.

Ani Bernard Caspe ng Iloilo City Health Office, kalimitang nakikita ang mga daga at iba pang peste sa mga maruruming lugar kung saan sila puwedeng makakuha ng pagkain.

Aniya, mahalagang mapanatilihing malinis ang establisimyento.

Ipinayo rin ni Caspe na linisin ang sugat gamit ang tubig at sabon at paturukan ito ng tetanus at antibiotic.

Payo naman ng city health office na ugaliin ng mga namamahala ng mga pamilihan na magkaroon ng pest control para maiwasan ang pagdami ng mga peste.

-- Ulat ni Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.