Singil sa kuryente ng Meralco bababa sa Hunyo

ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 11:11 AM | Updated as of Jun 06 2019 10:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Bababa ang singil ng Meralco sa kuryente sa paparating na June billing, inanunsiyo ng naturang power distributor ngayong Huwebes. 

Sumatotal, magkakaroon ng P0.19 bawas sa kada kilowatt hour (kWh) na konsumo habang magkakaroon din ng P0.135/kWh tapyas sa generation charge.

Halimbawa, ang mga may konsumo na 200 kWh kada buwan ay matatapyasan ng P38 habang ang mga gumagamit ng 500 kWh ay makatitipid ng P95.

Ito ay sa kabila ng mga naranasang red at yellow alerts sa Luzon grid simula Mayo.

—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.