Isa pang puganteng tumakas sa kulungan sa Antipolo, arestado

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 06 2019 11:06 PM

MAYNILA - Naaresto nitong Huwebes ang ika-6 sa 7 presong pumuga sa kulungan sa Antipolo.

Nahuli si Murphy Sison sa kaniyang bahay sa San Mateo, Rizal sa tulong ng isang informant, ayon kay Police Lt. Col. Villaflor Bannawagan, hepe ng Antipolo Police.

Sangkot si Sison, isang construction worker, sa pagnanakaw.

Patuloy ang pagtugis sa isa pang presong nakatakas.

Ayon kay Bannawagan, nakuha na rin ang lagareng sinasabing ipinuslit at ginamit ng mga preso upang tumakas noong Linggo. 

Papatawan ng disciplinary action, kagaya ng limitadong visiting hours at iba pa, ang mga presong tumakas.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.