Magkapatid, 14 at 10, patay sa landslide sa Digos

Francis Magbanua, ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2020 11:31 AM

Pinapaligiran ng mga rescuer ang katawan ng magkapatid na nasawi sa pagguho ng lupa sa Digos City. Larawan mula sa Digos police

DIGOS, Davao Del Sur — Patay ang magkapatid, edad 10 at 14, dahil sa landslide sa lungsod na ito, Huwebes ng gabi. 

Natutulog ang magkapatid na sina Ronnel at Roxel Laguna nang mabaon sa lupa ang harapan ng kanilang bahay sa Barangay Binaton, ayon sa pulisya. 

Ito'y matapos anila ang ilang mahihinang lindol sa Davao Del Sur at mga karatig-lugar na sinundan ng malakas na ulan, dahilan para lumambot ang lupa. 

Nakaranas din ng pagguho ng lupa ang kalapit na Barangay Kapatagan. 

Nagsasagawa pa rin ng clearing operation sa mga daang natabunan ng lupa, Biyernes ng umaga. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.