Trike driver patay, 2 pasahero sugatan nang mabangga ng dump truck

ABS-CBN News

Posted at Jun 05 2019 03:27 PM

SILAY CITY, Negros Occidental — Patay ang isang tricycle driver habang sugatan naman ang dalawa nitong pasahero matapos silang mabangga ng dump truck madaling araw ng Lunes.

Kinilala ang napatay na biktima na si Michael Quiatchon, 39.

Sa isang intersection sa Barangay Bagtic umano nangyari ang aksidente, ayon sa pulisya.

Nakaligtas naman sina Michelle Andrade at Charize Cobrado, parehong 21, at kasalukuyan silang nagpapagaling sa pagamutan.

Sa imbestigasyon ng Silay City police, nangyari ang insidente nang magkasalubong ang dump truck at tricycle.

Sumuko naman ang drayber ng truck sa mga awtoridad at inaalam pa kung magsasampa ng kaso ang pamilya ng mga biktima. 

 
—Ulat ni Martian Muyco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.