QC drug bust: P374,000 halaga ng 'shabu' nakumpiska, 4 huli

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 01:36 PM

MAYNILA — Aabot sa P374,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga pulis sa 4 taong nahuli sa buy-bust operation sa Quezon City noong gabi ng Miyerkoles.

Nangyari ang operasyon bandang alas-8 ng gabi sa may Atrium Street, Barangay Pasong Putik, ayon sa ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Kinilala ng NCRPO ang mga suspek bilang sina Francis Ponce, 33, at Ramil Villafania, 50. Pareho umano silang kinasuhan noon ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahuli rin sa operasyon sina alyas "JM," 15, at "Jam," 13, sabi ng NCRPO.

Nakuha sa mga suspek ang 7 sachet ng hinihinalang shabu na may timbang na 55 gramo, ayon sa pulisya.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.