Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas pumalo na sa 20,000 marka

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2020 07:00 PM

MAYNILA — Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na pumalo na sa 20,000 marka ang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ayon sa DOH, 634 ang naitalang kaso ngayong araw, dahilan para lumobo ang bilang sa 20,382.

Sabi ng ahensiya, 313 dito ang fresh cases o mga kumpirmadong kaso sa nakalipas na 3 araw, habang 321 naman ang late cases o mga kasong matagal nang na-test pero ngayon lang nakumpirma. 

Bukod dito, nakapagtala rin ang DOH ng 95 bagong paggaling kaya 4,248 na dito ang mga nakarekober.
 
Samantala, 10 naman ang bagong namatay na pasyente kaya 984 na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa Pilipinas. 

Sa buong mundo, 6.5 milyon na ang mga dinapuan ng COVID-19, nasa 2.8 milyon dito ang nakarekober habang 380,000 naman ang nasawi, batay sa monitoring ng Johns Hopkins University. 

—Mula sa ulat ni Kristine Sabillo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.