Tricycle driver, patay matapos barilin ng pasahero sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 04:05 AM

MAYNILA - Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng kaniyang pasahero sa Barangay Holy Spirit, Quezon City Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Rogel Poayan.

Ayon kay Police Lt. Col. Joel Villanueva ng Batasan Police Station, binaril ng hindi pa kilalang salarin ang biktima habang namamasada pasado alas-8 ng gabi.

Palaisipan pa sa pamilya ni Poayan ang motibo sa pamamaslang.

"Mabait po ito. Posibleng pinagtripan lang," ani Rolly, kapatid ng biktima. - Ulat ni Ernie Manio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.