Tricycle driver na umihi sa puno, binaril

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 11:18 PM | Updated as of Jun 05 2019 07:46 PM

MARIVELES, Bataan - Patay ang isang tricycle driver matapos barilin ng isang security guard sa labas ng isang bangko sa Mariveles, Bataan.

Watch more in iWant or TFC.tv

Kinilala ang biktima na si Raul Magno, 44 anyos. Timbog naman ang suspek na si Raff Anthony Pega, 28 anyos.

Dinala agad sa ospital ang biktima pero binawian din ng buhay.

Ayon sa pulisya, sinita ng suspek ang biktima noong Biyernes, Mayo 31 matapos itong umihi sa puno ng acacia malapit sa bangkong pinagtatrabahuan niya.

Sa kuha ng CCTV, nagtalo ang 2 hanggang sa paputukan ni Pega si Magno gamit ang kaniyang shotgun.

Watch more in iWant or TFC.tv

Tinamaan din ng bala ang isang Jeric Juson na noon ay napadaan sa lugar. 

Mahaharap si Pega sa kasong murder at physical injury. - Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.