Seaman ninakawan ng pera, cellphone; 2 'kasabwat' arestado

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 09:15 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Naaresto noong Lunes ang mag-asawang umano ay kasabwat ng isang lalaking nagnakaw ng $500 cash at mamahaling cellphone sa isang seaman sa Maynila.

Nagkasa ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ng entrapment operation laban sa mag-asawa matapos nilang ipatubos sa biktimang si Fitzgerald Garcia ang mga ninakaw na gamit.

"Kasabwat po iyon kasi magkabarkada sila eh," ani Police Capt. Yolando Espina.

"May usapan na may kapalit na halaga," ani Espina.

Lasing umano si Garcia nang tangayin noong madaling araw ng Sabado ng isang lalaki ang kaniyang backpack na naglalaman ng nasabing pera, cellphone, at mga ID.

Nakuha sa mag-asawang kasabwat ang wallet pero wala roon ang pera at cellphone ng biktima.

Theft ang kaso ng mag-asawa habang pinahahanap ang lalaking kumuha ng bag.

--Ulat ni Zyann Ambrosio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.