P6.8-M halaga ng 'shabu', nasamsam sa hotel sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 04 2019 07:42 AM

MAYNILA - Nasamsam ng mga awtoridad ang nasa P6.8 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang hotel sa Maynila Lunes ng gabi.

Naaresto rin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 4 na lalaki sa buy-bust operation habang isa ang nakatakas.

Ayon kay PDEA Calabarzon director Adrian Alvariño, nangyari ang transaksiyon sa loob ng hotel. 

Samantala, timbog ang 5 katao sa magkakahiwalay na operasyon kontra droga sa Makati City.

"Nasa iisang compound lang sila. Magkakabilang-kanto lang ang kanilang pinagbebentahan," ani Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City police.

Unang naaresto sa JP Rizal St. ang lalaking nakuhanan ng 27 pakete ng umano'y shabu.

Sunod ang lalaking nasa drugs watch list ng barangay na nakuhanan ng higit P5,000 halaga ng shabu.

Nasabat naman sa 3 pang lalaki ang 44 na pakete ng shabu. - Ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.