Lanao del Sur mayor, 2 iba pa sugatan sa pananambang sa Cagayan de Oro

ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 12:13 PM

Tinambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang kotseng sinasakyan ni Lumbaca-Unayan Mayor Somerado Guro sa Cagayan de Oro City. ABS-CBN News

Sugatan ang mayor ng Lumbaca-Unayan, Lanao del Sur at 2 iba pa matapos tambangan ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang sinasakyan nilang kotse sa Cagayan de Oro City nitong umaga ng Miyerkoles.

Papunta sanang Lumbaca-Unayan si Mayor Somerado Guro galing sa kaniyang bahay sa Barangay Iponan, Cagayan de Oro City nang pagbabarilin ng 2 lalaking naka-mask ang kaniyang pickup truck, ayon sa pulisya.

Sugatan din umano ang asawa at driver ng mayor.

Wala namang natamong pinsala ang isa pang escort na kasama nila sa sasakyan.

Patuloy na inaalam ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa pamamaril.

-- Ulat ni Vernie Damolo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.