Lalaki patay sa pagbangga ng trak sa tindahan sa Iloilo

Jennifer Garcia, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 09:35 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

OTON, Iloilo--Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng trak ang isang tindahan sa Barangay Rizal sa bayang ito Miyerkoles.

Natutulog ang biktimang si Romeo Roberto, 60, sa labas ng tindahan nang biglang dumiretso ang trak.

Galing sa bayan ng Oton ang trak at babalik sana sa quarry site sa bayan ng San Miguel, Iloilo, nang mangyari ang insidente.

Ayon sa drayber, nawalan ng preno ang trak.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng Oton Police ang drayber. Nangako naman ang may-ari ng trak na tutulungan ang pamilya ng biktima.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.