EO sa tapyas ng presyo sa ilang piling gamot sa Pilipinas, epektibo na

Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Posted at Jun 03 2020 05:09 AM

Simula na nitong Martes ang bisa ng Executive Order No. 104 na nagtatakda ng tapyas sa presyo ng ilang pangunahing gamot sa bansa.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, saklaw ng executive order ang 87 gamot para sa mga sakit na hypertension, diabetes, at breast, colorectal at lung cancers.

Kasama rin ang gamot para sa chronic kidney disease at asthma o chronic obstructive pulmonary disease o COPD.

Sa nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte na EO nitong Pebrero 17, nakasaad na ang maximum retail price at maximum wholesale price ng mga gamot ay mas mababa ng hanggang 50 porsiyento sa dati nitong presyo.

Kahit ibinaba na ang presyo ng mga piling gamot, mananatili pa rin ang 20 porsiyento diskwento sa presyo para sa mga senior citizen at persons with disability.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.