5 tiklo sa droga sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jun 02 2018 05:36 AM

MAYNILA - Arestado ang 5 katao matapos mahulihan ng ilegal na droga sa Recto Ave. corner Quezon Boulevard sa Sta. Cruz, Maynila.

Apat na lalaki at isang babae ang mga naaresto na pawang mga residente sa lugar.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Sta. Cruz police, naaktuhan ang 5 na nagsusugal ng cara y cruz habang nagroronda ang mga pulis.

Nakumpiska rin sa kanila ang 5 sachet ng hinihinalang shabu.

Mahaharap sila sa kasong illegal numbers games at illegal possession of dangerous drugs. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.