Tricycle driver patay sa pamamaril sa Ilocos Norte

Ria Galiste, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 04:55 PM

Pauwi na ang biktima nang tambangan habang sakay ng kaniyang ipinapasadang tricycle sa bayan ng Badoc sa Ilocos Norte. Larawan mula sa Badoc Municipal Police Station

BADOC, Ilocos Norte – Patay ang isang tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang mga salarin dito sa bayan, Biyernes ng hapon.

Hindi pa rin makapaniwala ang pamilya ni Melchor Somera sa kaniyang sinapit.

Pagta-tricycle lamang ang hanapbuhay ng biktimang isinalarawan ng kaniyang biyenan bilang mabait sa pamilya at mga kabarangay.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na si Somera sakay ng kaniyang tricycle nang tambangan ng mga salarin sa Barangay Alay.

Nadala pa sa ospital ang biktima pero namatay din ito. Narekober naman ng mga pulis ang 5 basyo ng kaliber .45 na baril.

Patuloy na iniimbestigahan ng awtoridad ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.