Coast Guard vessels sa West PH Sea, nakaranas umano ng signal interference

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 12:17 AM

File/Western Command-AFP handout

MAYNILA—Isang signal interference ang naranasan ng multi-role vessels (MRRV) ng Philippine Coast Guard habang nagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Kinompirma ito ni Capt. Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, sa ABS-CBN News

Ayon kay Balilo, sa bandang Ayungin Panganiban ito naranasan ng mga sasakyang pandagat.

Aniya, may signal jammer kaya't nahirapan silang ma-monitor ang mga barko.

Wala pang tugon ang PCG kung kailan ang eksaktong petsa ng insidente at kung ano ang implikasyon nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.