'Big-time' rollback sa petrolyo, LPG ipinatupad na

ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2019 04:50 PM

MAYNILA — Doble-dobleng tapyas sa presyo sa langis at liquefied petroleum gas (LPG) ang ipinatupad ng ilang kompanya simula ngayong Sabado. 

Nauna na naman ang Phoenix Petroleum sa rollback sa petrolyo na epektibo na hatinggabi pa lang. 

• Gasolina → P1.75/litro
• Diesel → P1.05/litro

Inaasahang susunod nang mag-aanunsiyo ang iba pang kompanya. 

Batay sa estimate ng ilang taga-industriya, maglalaro sa P1.75 hanggang P1.85 ang ibinagsak sa presyo ng imported gasoline, P1.05 hanggang P1.15 naman sa diesel, at P0.95 hanggang P1.00 sa kerosene.

Big-time din ang bawas-presyo sa LPG na ipinatupad ngayong araw.

Nasa P6.25 kada kilo ang rollback ng Petron Gasul o katumbas ng bawas na mahigit P68 sa kada regular na tangke.
    
Pati ang auto-LPG ng Petron, ibinaba rin ng P3.45 kada litro.

Pareho lang din ang rollback sa LPG at auto-LPG ng Phoenix.

Samantala, P6.0 kada kilo lang ang bawas ng Solane LPG.

        
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.