Rape suspek, patay nang manlaban umano sa mga pulis sa Tarlac

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jun 01 2018 07:57 AM

SAN FERNANDO, Pampanga - Isang lalaki na suspek sa pangre-rape sa isang menor de edad ang patay nang umano'y nanlaban sa mga pulis na umaresto sa kaniya sa Capas, Tarlac, Huwebes.

Inaresto ng mga pulis ang suspek na si Michael Francisco sa kaniyang bahay sa Barangay Sta. Rita at isinakay sa sasakyan ng pulis nang bigla umano nitong hablutin ang baril ni SPO2 Theovasco Nolasco at tinutukan ang 3 pulis na lulan din ng sasakyan.

Agad na binaril nina PO2 Michael Dimatera and PO1 Oneal John Alimurong si Francisco.

Inaresto si Francisco matapos magreklamo ng isang mag-asawa na hinalay umano ng suspek ang kanilang 8-anyos na anak na babae.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.