4 na tricycle driver tiklo sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at May 31 2019 06:57 AM | Updated as of May 31 2019 09:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Arestado ang 4 na tricycle driver sa buy-bust operation sa Barangay Batasan Hills, Quezon City, Biyernes ng madaling-araw.

Nakuha sa mga suspek ang nasa P8,500 halaga ng hinihinalang shabu.

Target ng operasyon si alyas Edgardo kung saan siya nabilhan ng Batasan Police Station ng P200 halaga ng umano'y shabu.

Nahuli sa operasyon ang 3 pang tricycle driver na umano'y mga parokyano ni Edgardo.

Mahaharap sila sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.