Big-time rollback sa LPG, langis inaasahan sa pagpasok ng Hunyo

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 05:39 PM | Updated as of May 30 2019 09:58 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Dalawang good news ang sasalubong sa mga konsumer at motorista sa mga susunod na araw dahil big time ang magiging rollback sa liquefied petroleum gas (LPG) at langis.

Sa datos ng isang malaking importer, nasa mahigit P6 kada kilo ang ibinaba sa contract price ng LPG, o katumbas ng halos P70 kada regular na tangke na may 11 kilo.

"Ang main reason niyan ay nag-normalize na ang requirement ng India at may konting slowdown sa demand ng China, at the same time high inventory ang supply mula US," paliwanag ni Iñigo Golingay, CEO ng kompanyang South Pacific, Inc.

Pero hindi lang LPG ang may rollback dahil namumuro ring masundan ang bawas-presyo sa petrolyo sa susunod na linggo. 
    
Sa unang tatlong araw ng trading, nasa halos P1.50 na ang ibinagsak sa presyo ng imported gasoline, P0.78 sa diesel, at P0.75 sa kerosene.

Sa kuryente naman, sa kabila ng kaliwa't kanang yellow at red alerts, walang nakikitang malaking galaw sa paparating na June billing.
    
—Ulat ni Alvin Elchico, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.