Bata patay sa pananaksak ng lolo sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 03:13 PM

Sumuko sa pulisya ang 56-anyos na lalaki matapos umanong patayin ang 8-anyos na apo sa Isabela, Negros Occidental. 

Ayon kay Isabela police chief Roger Pama, pumasok sa bahay ng suspek ang 8-anyos na bata dahil umuulan. 

Kuwento umano ng suspek sa pulisya, malikot daw ang bata kaya nairita siya at hinampas niya umano ito sa pader at sinakal. 

Sinaksak din daw ng suspek ng barbecue stick ang puwet ng bata. 

Natagpuang patay ang batang lalaki sa likod ng bahay ng suspek nitong Mayo 26. Sumuko ang suspek nitong Martes. 

Pinakawalan ang suspek dahil sa kakulangan ng mga dokumento pero sasampahan pa rin ito ng kasong murder, kaagaypay ng kasong child abuse. 

Isasailalim din sa medico-legal examination ang katawan ng bata. 

-- Ulat ni Mark Gabriel Salanga, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.