3 sasakyan nagsalpukan sa EDSA-Boni

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 30 2019 11:30 PM

Nagdulot ng mabigat na daloy ng trapiko ang banggaan ng 2 kotse at isang van sa EDSA Boni Avenue southbound sa Mandaluyong Huwebes ng gabi.

Ayon sa MMDA, alas-9:31 ng gabi nang bumangga ang isang sasakyan sa kotseng nasa harapan nito bago naman bumangga ang van na nasa kanilang likuran.

Wala namang nasugatan sa insidente.

Asahan ang mabigat na daloy ng trapiko mula EDSA Shaw Boulevard southbound hanggang EDSA Boni Avenue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.