'Pantawid ng Pag-ibig' at 'WeCare.PH' sanib-puwersa sa pag-distribute ng PPE

ABS-CBN News

Posted at May 29 2020 08:42 PM | Updated as of May 30 2020 05:28 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Plastic na basura na dinikit ng tape ang gamit na personal protective equipment ng mga medical frontliner sa St. Jude Family Hospital sa Los Baños, Laguna, batay sa viral post noon ng hospital OIC na si Tes Depano.

Dalawang buwan na ang nakalipas nang i-upload ang video.

Ayon kay Tes, may mga nag-donate ng PPE sa kanila, pero limitado pa rin ito.

“Yung mga donation sa amin syempre tinitipid namin. Kaya po kami nakakapagsuot ng trashbag bilang tulong para matipid namin yung donasyon na bigay sa amin,” ani Depani.

Sa Facebook din naglabas ng saloobin si Dr. Tony Ramos ng Lung Center of the Philippines nang muntik nang masaid ang supply ng PPE sa kanilang ospital.

“Nung pawala na kami ng PPEs, nasave by the bell kami ng media, ng ABS-CBN. Nanawagan kami at dahil doon, at the end of the day may dumating na 200. Tapos nun dire-diretso na nagdatingan ang supply,” ani Ramos.

Mula sa pagtugon ng mga pangangailangan sa pagkain ng umaaray na pamilya dahil sa enhanced community quarantine, ang “Pantawid ng Pag-ibig” ng ABS-CBN ay hingit na pinalawak para mangalap at mamahagi sa mga ospital.

Ito ay sa bisa ng partnership kasama ang WeCarePH, isang libreng community based emergency platform.

“Merong magiging website. Yung mga ospital or mga organization that are in need of PPEs can actually register and they can put their request and we can match them with other organizations or individuals that want to either give them what it is they're asking for,” ani Susan Afan, managing director ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.

Ayon kay Victoria Betita, Chief Finance Officer ng Concepcion Industrial Corporation, malaking tulong na ilagay sa online platform ang panawagan ng mga frontliner sa dagdag-PPE.

“Pag online kasi, sya and you do it with this kind of technology, parang wala siyang physical boundaries eh Donations even as low as 500 from an employee, napapackage mo with other donations, at napalaki mo siya at nagiging impactful sya for a particular hospital,” ani Betita.

Puwedeng mag-register bilang nangangailangan o bilang donor o supplier sa wecare.ph. Nakalista rin dito ang mga gamit na kailangan i-pledge o i-donate.

Maaari namang mag-donate sa pamamagitan ng cash o in-kind donations na nakalap, bagay na makakatulong sa mga ospital na rehistrado sa WeCare, kasama ang mabilis na pagdeliver rito.

Si Leslie Mercado ang isa sa mga unang gumamit ng serbisyo ng website.

Nakapag-ipon sila ng kanilang ka-opisina ng P60,000 para i-donate sa mga frontliner.

“WeCare was in the middle of all that. This platform is very helpful for us. Very specific. Hindi ka na mag-iisip kung ano ang kailangan nila, it's already there. You just have to choose kung ano ang kaya mo,” ani Mercado.

Sa ngayon, may 150 ospital na rehistrado sa wecare.ph, na puwedeng matulungan ng mga rehistradong donor.

Sa tulong ng partnership, maaabot ng “Pantawid ng Pag-ibig” ang mas maraming ospital.

“We can bring people together for true bayanihan spirit, so we can address a need, and this instance it's taking care of our frontliners and have the proper gear when they go to work every single day,” ayon kay Afan.

Para sa mga nais mag-register, pumunta lang sa wecare.ph

Nais namang pasalamatan ng ABS-CBN ang mga sumusunod na supply sponsor na lumahok sa Pantawid ng Pag-ibig campaign:

  • Century Pacific Food, Inc.
  • Rebisco
  • Suy Sing Corporation
  • Lucio Tan Group, Inc
  • McDonald’s
  • Safeguard
  • Quick Chow Noodles
  • Great Taste 3 in 1
  • Sunsilk Shampoo
  • Mega Sardines
  • Generika Drugstore
  • Champion Detergent
  • Unilab
  • Ritemed
  • Hana Shampoo
  • Coca-Cola
  • Colgate Palmolive
  • Kopiko
  • Ligo Sardines
  • CDO Foodsphere
  • IPI
  • Lucky Me

Nagpapasalamat din ang ABS-CBN sa mga sumusunod:

  • Accredited Service Providers Association of Pagcor (ASPAP)
  • Intermed Marketing Phils, Inc
  • Motortrade Life and Livelihood Assistance Foundation Inc.
  • Pampanga's Best
  • RFM Fiesta Pasta
  • Wilcon Depot
  • Aboitiz Group
  • Benby Enterprises Inc.
  • Bistro Group
  • Champion Detergent Bars
  • Coca-Cola
  • Green Cross
  • Greenwich Binondo Branch
  • Hanabishi
  • Jollibee Binondo Branch
  • Chowking Binondo Branch
  • Kenny Rogers Roasters
  • Lemon Square
  • Master Sardines
  • Nature’s Spring
  • NutriAsia
  • Philippine Egg Board Association
  • Poten-Cee
  • Silka Soap
  • Starbucks Philippines
  • Sun Life Foundation
  • Tolak Angin
  • Century Pacific Foundation
  • JP Morgan
  • Suy Sing Commercial Corporation
  • Ajinomoto
  • Beautederm Corporation
  • Cebuana Lhuillier Foundation Inc
  • Deli Mondo Food Specialties Inc
  • JAKA Group
  • GCash
  • Lazada
  • P&A Grant Thornton Foundation Inc
  • PICPA Metro Manila
  • Rotary Club of Makati
  • SC Johnson
  • SEAOIL
  • TIM IT Company

Nagpasalamat din ang kompanya sa Armed Forces of the Philippines, Air21, Entrego, Air Power, Grab Bayanihan, at Mober na tumulong sa paghahatid ng mga ayuda, at sa Lazada na nagsilbing payment partner.

Kung nais pang tumulong sa kampanya, maaaring ipaabot ang tulong-pinansiyal dito:

-- Ulat ni Bernadette Sembrano, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.