PANOORIN: Pag-iingat, tulungan kontra COVID-19 tema ng music video ng mga pulis sa Western Visayas

ABS-CBN News

Posted at May 29 2020 08:55 PM

 

Idinaan sa kanta ng mga pulis sa Police Regional Office 6 sa Western Visayas ang kanilang kampanya para sa pag-iingat sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Ang nakakaindak na music video na may pamagat na "Ipanalo ang Laban" ay ibinahagi ng PRO-6 sa kanilang Facebook page.

Bida dito ang bandang Mandirigmang Mang-aawit ng PRO-6 na siya ring tumugtog ng musikang ginamit sa kampanya laban sa ilegal droga. 

Kasama rin sa video ang pag-indak ng mga kababaihang pulis sa saliw ng musika. 

Ayon kay Police Lt. Col. Gilbert Gorero, tagapagsalita ng PRO-6, nais ipaabot ng music video sa mga residente na hindi pa tapos ang laban kontra COVID-19 kaya't hinihingi nila ang partisipasyon ng bawat isa lalo na't papunta na sa new normal.

- ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News