Pagdinig sa kaso ng mga umano'y drug lord Kerwin Espinosa, Peter Lim, inurong sa Set. 11

Henry Atuelan, ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 01:59 PM

MAYNILA - Ipinagpaliban ang nakatakdang pagdinig Miyerkoles sa kasong kinakaharap ng mga umano'y drug lord na sina Kerwin Espinosa at Peter Lim sa Setyembre 11.

Ayon kay Assistant State Prosecutor Herbert Abugan, nais pang kausapin ng Public Attorney's Office si Marcelo Adorco, ang pangunahing testigo sa kaso laban sa dalawa.

Ang kaso ay may kaugnayan sa umano'y conspiracy sa distribution ng ilegal na droga sa Central Visayas. 

Kabilang sa humarap kay Makati Regional Trial Court Branch 65 acting presiding judge Rommel Baybay sina Espinosa at Adorco. 

Si Espinosa ay nahaharap sa ilang kasong may kinalaman sa droga sa Maynila at Makati, dalawang murder case sa Maynila at illegal possession of firearms and explosives sa isa pang korte sa parehong siyudad. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.