ABISO: Ilang kalsada sa Makati isasara sa Mayo 31 dahil sa Flores de Mayo

ABS-CBN News

Posted at May 29 2019 06:08 PM

Naglabas ang Makati City ng rerouting scheme para sa isasagawa nilang Flores de Mayo sa Biyernes. Retrato mula sa Facebook page ng Makati City LGU.

MAYNILA — Isasara sa Biyernes, Mayo 31, ang ilang kalsada sa Makati City dahil sa isasagawang Flores de Mayo, ayon sa lokal na pamahalaan nitong Miyerkoles. 

Kabilang sa mga isasarang kalsada sa Biyernes, ala-1 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi, ang mga daan mula Makati City Hall Quadrangle patungo sa Globe Circuit Event Grounds.

Apektado ng road closure ang Hormiga Street, Trabajo Street, Hippodromo Street, at A.P. Reyes Street.

 

Dahil sa pagsasara ng nasabing mga kalye, naglabas din ang Makati City Hall ng traffic rerouting scheme na makikita sa kanilang Facebook page. —Ulat ni Henry Atuelan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.