'Wag lang puro papogi': Mga opisyal ng gobyerno, kinastigo ng labor group

ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 10:55 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

May patutsada ang isang labor group nitong Martes sa mga politiko na hindi umano prayoridad ang umento sa sahod ng mga manggagawa.

"Nangangampanya rin naman sila, kaya lang mali ang kanilang kampanya sa halip na puntuhin nila ang tunay na kalagayan ng mamamayang Pilipino," ani Ed Cubelo, chairman ng Kilusang Mayo Uno-Manila (KMU-Manila).

"Huwag lang sanang puro papogi, sana naman kahit walang eleksyon ay isakatuparan yung panawagang ito ng mga mamamayan," dagdag niya.

Hiling ng labor groups ang pagtaas at pagkakapareho ng minimum wage sa bansa para umano makasabay sa patuloy na pagtaas ng preyo ng mga bilihin sa merkado.

Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines (ECOP), "imposible" umano ang kahilingan na national minimum wage.

"For the longest time, ECOP knows nothing but to oppose all measures that were beneficial to Filipino workers," sagot naman ng KMU-Manila.

Kamakailan ay inatasan na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang regional wage boards sa buong bansa na talakayin ang posibleng umento sa sahod.

"Saying within the month may announcement ng wage hike sa minimum wage earners," ani DOLE Secretary Silvestre Bello III.

-- May ulat ni Doris Bigornia, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.