Suspek sa pamamaril ng pulis, huli sa Lucena City

ABS-CBN News

Posted at May 29 2018 07:29 AM

LUCENA CITY, Quezon - Arestado and isang dating tricycle driver na suspek sa pamamaslang sa isang pulis, ayon sa mga awtoridad.

Nahuli si Delfin Cesa sa Barangay Talao-Talao sa lungsod na ito matapos makatanggap ng tip ang pulisya.

Si Cesa ang suspek sa pamamaril kay SPO2 Amelito Habana sa Tanza, Cavite noong 2008 na siya nitong ikinamatay.

Personal na galit ang lumalabas na motibo sa pamamaslang.

"Violator po itong suspek so siguro po nagalit siya dahil ito pong ating pulis ay ginagampanan ang kaniyang tungkulin," ani Supt. Romulo Albacea, hepe ng Lucena City police.

May sibilyan din umanong nadamay noon sa pamamaril.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang suspek.

Narekober sa kaniya ang isang kalibre .45 na baril na may lamang 7 bala. -- ulat ni Mariz Laksamana, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.