5 magsing-irog ikinasal sa 'face mask wedding' sa Kidapawan City

ABS-CBN News

Posted at May 28 2020 12:38 PM

Sa isang simple at makahulugang seremonya sa loob ng isang makeshift venue sa harap ng city hall ikinasal ang limang pares ng magsing-irog sa Kidapawan City - sa tinatawag na face mask wedding. 

 

Naka-white dress ang mga bride at long-sleeves naman ang suot ng mga groom. 

Kompleto pa ang mga bulaklak, dekorasyon, cake at regalo. 

Ang naiiba? Limitado ang bisita, at may ilan pang patakaran na inilatag para mapanatili ang physical distancing. 

Suot ng mga kasal ang face mask, at flying kiss lang ang maaari nilang gawin. 

May cash gift din na pabaon si Kidapawan Mayor Joseph Evangelista para sa mga dumalo. 

Kasalukuyang naka-general community quarantine ang Kidapawan City at limitado lang ang pinapayagang bisita sa mga gatherings gaya ng kasal. 

— Ulat ni Lore Mae Andong, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.