2 timbog sa pagbebenta ng mga endangered na ibon sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at May 28 2019 04:17 AM

MAYNILA - Timbog ang 2 lalaki sa entrapment operation sa Maynila dahil umano sa pagbebenta ng mga endangered na ibon.

Nasagip ng Manila Police District (MPD) Station 7 ang 2 myna na binebenta sa halagang P4,500 bawat isa.

"Mga ibon na 'yan galing sa Palawan at mga ibon ay considered endangered," ani Rogelio Demelletes Jr. ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Aminado ang isang suspek sa krimen, pero itinanggi ito ng kaniyang kasamahan.

"Sinubukan ko lang po para sa konting kita... Kanina ko lang nalaman na endangered," depensa ng isang suspek.

Dagdag ng pulisya, posibleng marami pang ibang endangered species ang hawak ng mga suspek. - Ulat ni Jekki Pascual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.