Higanteng isda napadpad sa isang isla sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at May 27 2020 08:16 PM

Isang higanteng isda ang nadiskubre sa isang isla sa Northern Samar. Kuha ni Nhald Sy Guianan

Napadpad ang isang higanteng isda sa isang isla sa Northern Samar nitong Miyerkoles ng umaga.

Ayon sa ilang residente nanghihina at may sugat sa ulo ang nasabing isda nang madiskubre ito sa Barangay Poblacion sa Biri Island.

Tinatayang aabot sa 6 feet ang haba ng isda.

Agad itong tinulungan ng mga residente para makabalik sa malalalim na bahagi ng dagat.

Inaalam na ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources kung anong uri ng isda ang napapadpad at kung ano ang dahilan ng sugat nito. 

-- Ulat ni Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.