Tulong para sa Marawi, ipinanawagan sa social media

ABS-CBN News

Posted at May 27 2017 05:22 PM

Kasunod ng bakbakan sa pagitan ng puwersa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi City, patuloy na nagsisilikas ang mga residente nito at mga katabi pang bayan. 

May mga naiipit din sa bakbakan dahil ginagawa umanong ‘human shield’ ng Maute group.

Dahil dito, minabuti ng netizens na magbayanihan para makabuo ng listahan ng evacuation centers at hotlines na tutulong sa mga naaapektuhan ng bakbakan sa Marawi.

Narito ang listahan ng evacuation centers:

1. Lanao del Sur Provincial Capitol, Buadi Sacayo, Marawi City
2. Gymnasium, School of Fisheries, Buru-un, Iligan City
3. Barangay Hall, Poblacion, Municipality of Saguiaran
4. CASS, MSU-Iligan Institute of Technology, Tibanga, Iligan City (for MSU students, staff, and faculty); text this number - 09159950075; follow MSU CASS Evacuation Center for updates
5. Sgt. Miguel Canoy, Buru-un, Iligan City
6. Gomampong Ali Cultural Center, Municipality of Balo-i
7. KALAHI Evacuation Center (in front of Pacalundo Elementary School), Purok 8, Brgy. Pacalundo, Municipality of Balo-i
8. Lawanun Hall (for ladies) and Super New Dorm (for males), MSU, Marawi City; hotlines - 09120892514 / 09193388649
9. Moneerah Integrated School, Merila, Iligan City
10. Barangay Gym, Fuentes, Ma. Cristina, Iligan City
11. MSU Maigo, Lanao del Norte

Bukod sa listahan ng evacuation centers, mayroon ding hotline numbers na maaaring tawagan ng mga naiipit sa gulo:

1. Para sa mga stranded at nawawala sa Marawi City - 0995-496-9122 / 0995-496-9123 / 0939-529-6030
2. Para sa mga miyembro ng media na nakakatanggap ng pagbabanta at iba pang hindi kaaya-ayang insidente - 0915-515-5991
3. Marawi hotline of Tabak Division, Philippine Army - 0926-188-5770

Para rin sa impormasyon ng mga taga-Mindanao, itinala ang oras ng curfew sa ilang lungsod:

Marawi City
Curfew hours - 8:00 PM-5:00 AM

Iligan City
Curfew Hours - 10:00 PM-4:00 AM
Paalala: Inaabisuhan ang lahat na magdala ng valid I.D. sa lahat ng panahon at sabihan agad ang mga awtoridad kung may kahina-hinalang tao sa lugar.

Cagayan de Oro City
Curfew Hours - WALANG IPINATUTUPAD SA NGAYON

Cotabato City
PAALALA: “NO I.D., NO ENTRY” sa lungsod. Lahat ng motorista ay dapat magpakita ng I.D. sa checkpoint. May ipinapatupad daw na curfew sa gabi hanggang madaling araw para sa mga menor de edad.

Zamboanga City
Curfew Hours - WALANG IPINATUTUPAD SA NGAYON
PAALALA: Naka-heightened alert ang lungsod. Inaasahang makikipagtulungan ang mga residente sa pagtitiyak sa seguridad ng mga pulis at militar.

Coast guard vessel lulan ang relief goods, dumating na sa Iligan

Dumating na sa Iligan City ang Philippine Coast Guard (PCG) vessel na may dalang relief goods para sa evacuees mula Marawi City.

Tinatayang 10,000 relief packs mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dala ng BRP Batangas.

Bawat relief pack ay naglalaman ng limang kilong bigas, walong de lata, at isang pack ng kape. May laman din itong hygiene kits at sleeping mats.

Magsisilbi namang floating hospital para sa mga residente ang BRP Batangas matapos maihatid ang tulong.

Tutulong din sa paniniguro ng maritime security ang mga opisyal ng PCG.

-- May ulat ni Greanne Trisha Mendoza, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.