Bello: Panuntunan sa pag-alis ng mga domestic helper papuntang Kuwait, lalabas sa susunod na linggo

ABS-CBN News

Posted at May 23 2018 12:59 PM | Updated as of May 23 2018 08:38 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Lalabas na sa susunod na linggo ang mga panuntunan para muling makabiyahe patungong Kuwait ang mga nais magtrabaho bilang domestic worker, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

"Next week, lalabas na 'yung guidelines but these guidelines only refer to household workers. 'Yung mga skilled workers natin are not covered by the MOU (memorandum of understanding with Kuwait)," ani Bello sa isang pagdinig sa Senado Miyerkoles.

Watch more in iWant or TFC.tv

Sinimulang balangkasin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga panuntunan para sa mga nais magtrabaho bilang household service workers (HSWs) sa Kuwait matapos mapirmahan ang isang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait noong ika-11 ng Mayo.

Layon ng mga bagong polisiya na mas mapabuti ang kalagayan ng mga domestic worker sa Kuwait matapos ang sunod-sunod na ulat ng pang-aabuso ng mga Kuwaiti employer.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.