'Halo' sa paligid ng araw namataan

ABS-CBN News

Posted at May 23 2017 01:17 PM

Kakaibang sinag ang namataan nitong Martes, kung saan tila may 'halo' ang araw. 

Sa mga kuha ng retrato, makikita ang tila perpektong bilog sa paligid ng araw. 

 

Kuha ni Fernando Sepe Jr. sa Quezon City

 

Kuha ni Nicolo Masakayan sa Las Pinas City

 

Kuha ni Releth Gil sa Cavite State University, Indang

Paliwanag ng ekspertong si Nilo Millanes, nabubuo ang halo kapag ang sinag ng araw ay tumatagos sa "ice crystals" ng cirrus clouds na nakalutang sa himpapawid. 

Sa mga nakaraang paliwanag naman ng ibang eksperto, ang halo ay indikasyon rin ng nalalapit na pag-ulan o di kaya ay pagdating ng bagyo. 

Noong 2013, namataan rin ang ganitong phenomenon sa Zamboanga. Mayroon din noong Mayo 2014 sa Legazpi, Albay.