2 Philippine Eagle, ipadadala sa Singapore

Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 21 2019 04:12 AM

Dalawang Philippine Eagle ang ipadadala ng Pilipinas sa Jurong Bird Park sa Singapore.

Bahagi ito ng Philippine Eagle loan deal ng Pilipinas sa Wildlife Reserves Singapore.

Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, magsisilbing mga ambassador para sa Philippine diversity ang dalawang agila na pinangalanang sina Geothermica at Sambisig.

Layon rin ng kasunduan na mas mapalawak ang kaalaman sa kahalagahan ng conservation ng mga Philippine Eagle na itinuturing na critically endangered species.

Nilinaw naman ng DENR na mananatiling pag-aari ng Pilipinas ang dalawang agila. 

Dapat ding magpadala ng taunang report ang Singapore kaugnay sa kalagayan ng dalawa at mga resulta ng mga pag-aaral.

Sa tala ng DENR, nasa 400 pares na lamang ang bilang ng mga Philippine Eagle sa bansa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.