Bagong halal na barangay chairman patay sa pananambang sa Batangas

Mariz Laksamana, ABS-CBN News

Posted at May 21 2018 11:49 AM

Pinagbabaril ang isang bagong halal na barangay chairman sa San Jose, Batangas nitong Lunes. ABS-CBN News

SAN JOSE, Batangas- Patay ang isang barangay chairman dito nang tambangan at pagbabarilin sa Barangay Pinagtung-Ulan nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Demetrio Deomampo, 51, ang bagong halal na kapitan ng Barangay Buso-Buso sa bayan ng Laurel.

Naisugod pa sa ospital ang biktima pero hindi na rin umabot ng buhay.

Palabas umano si Deomampo sakay ng kanyang SUV nang ilang beses umanong pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin na agad tumakas bitbit ang armas na ginamit sa pagpaslang sa biktima.

Nangangalap na ang mga pulis ng CCTV footage sa lugar para sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.