DSWD feeding program, gugulong sa C. Visayas sa Hunyo

Jeff Hernaez, ABS-CBN News

Posted at May 21 2017 11:22 AM

MANILA - Sisimulan na sa Hunyo sa ilang piling lugar sa Central Visayas ang 2 beses kada araw na supplementary feeding program ng Department of Social Welfare and Development. 

Isasagawa ang programa sa mga day care center sa loob ng 120 araw. 

Kabilang sa mga napiling lugar ng National Nutrition Council ang 19 na local government unit sa Cebu, 18 sa Bohol at 2 sa Siquijor. 

Ayon kay Melinda Cañares ng DSWD-Region 7, may P15 na budget kada meal para sa bawat bata. Nakalaan ang P11 dito para sa ulam habang P4 ang para sa kanin. 

Layon ng proyekto na nagkakahalaga ng P83.3 milyon na maisulong ang tamang nutrisyon. 

Mahigit 46,000 kabataan ang inaasahan makikinabang sa proyekto. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.