2 carnapper na nagpanggap na pulis, patay sa engkuwentro

ABS-CBN News

Posted at May 20 2018 11:00 AM | Updated as of May 20 2018 07:21 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Patay ang dalawang magnanakaw umano ng motorsiklo matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Cabuyao, Laguna nitong Linggo ng madaling araw.

Modus ng mga suspek ang magpakilala bilang pulis sa kanilang mga binibiktima. 

Kuwento ng pinakahuling biktima na si alyas "John" na isang security guard, papasok siya sa trabaho nang harangin ng apat na lalaking sakay ng dalawang motorsiklo sa barangay San Isidro, Cabuyao, Laguna.

Nagpakilala umanong mga pulis ang apat na lalaki, pero 'yun pala ay target ang kaniyang motorsiklo.

Suwerteng may dumaang mga nagpapatrolyang pulis kaya agad nakapagsumbong ang biktima at ikinasa ang dragnet operation.

Nang maabutan ng mga pulis ay nagpaputok umano ang mga suspek kaya napilitan ang mga awtoridad na gumanti.

Isa sa umano'y 2 nagnakaw ng motor a Cabuyao, Laguna ang nakahandusay sa daan matapos maka-engkuwentro ang mga pulis. Photo by Eric Dastas

Dead on the spot ang dalawang lalaki, pero nakatakas ang dalawa pa.

Narekober sa mga napatay ang dalawang baril at ang ninakaw na motorsiklo ni John.

Ayon sa Philippine National Police (PNP), mas pinaigting nila ngayon ang pagtugis sa mga motorcycle-riding criminals.

Nagpaalala rin sila na huwag basta maniniwala sa mga magpapakilalang pulis lalo't hindi naka-uniporme at walang gamit na marked vehicle. -- Ulat ni Jerome Lantin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.