Bangka lumubog sa Davao City

Berchan Louie Angchay, ABS-CBN News

Posted at May 19 2019 10:42 AM | Updated as of May 19 2019 02:37 PM

DAVAO CITY (UPDATE)- Lumubog ang isang pampasaherong bangka sa may Davao City nitong Linggo ng umaga.

Nailigtas naman lahat ng 45 pasahero ng MV Sam Christopher na papunta sanang Island Garden City of Samal.

Kakaalis pa lamang sa Santa Ana Wharf ng bangka nang lumubog ito. ​

 

Ayon sa kapitan nito na si Terencio Pombo, sumabit sa propeler ng bangka ang lubid ng angkla ng katabing bangka na nagresulta sa tensyon, kaya pinasok ng tubig ang MV Sam Christopher.

Pinasuot naman agad ng life vests ang mga pasahero.

Nagpaalala naman ang Coastguard na ugaliing mag lagay ng mga warning device sa dagat upang maabisuhan ang kapitan ng bangka nang makaiwas sa disgrasya.

Iniimbestigahan pa ng Maritime Industry Authority at Philippine Coast Guard ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.