2 'tumangay, nagbenta' ng motor, huli nang isumbong ng buyer

ABS-CBN News

Posted at May 19 2018 12:54 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Arestado ang dalawang lalaking itinuturong nagbebenta ng umano'y nakaw na motor matapos itimbre ng mismong buyer.

Inaresto ng Mandaluyong police sa ikinasang entrapment operation ang suspek na kinilalang si Aries Puezo at kaniyang kasamahang si Emmanuel Parada.

Isinagawa ang entrapment matapos kontakin ng pinagbebentahan ng motor ang nakita niyang pangalan sa OR/CR ng motorsiklo.

Kuwento ni Adrian Nieva, kapatid ng may-ari ng motor, nahanap ng buyer ang kapatid sa Facebook at doon nakipag-ugnayan sa kaniya.

Doon na nadiskubre na ninakaw ang motor.

Bukod sa motor ni Nieva, narekober din ang isa pang nakaw na motor.

Ayon sa pulisya, tumatangay ng motorsiklo si Puezo mula sa iba't ibang lugar sa Rizal at saka niya ito ibinebenta online. 

Sa Mandaluyong naman nangyayari ang transaksiyon.
 
Todo-tanggi naman si Parada na kasama siya sa pangangarnap habang si Puezo naman ay hindi na nagsalita ukol sa alegasyon.

Kasong carnapping ang isasampa sa dalawa. 

-- Ulat nina Raphael Bosano at Oman Bañez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.