Paano dinedesisyunan ang tablang resulta sa halalan?

ABS-CBN News

Posted at May 18 2019 07:07 PM | Updated as of May 18 2019 08:17 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Hindi lang isa ang paraan para sa pagpili ng mananalong kandidato sakaling magtabla ang mga boto sa halalan.

Nakasaad sa Commission on Elections (Comelec) Resolution 10083 na maaaring mag-coin toss o kaya magkaroon ng draw lots ang Board of Canvassers (BOC) sakaling magkaroon ng tabla.

Bago desisyunan ang resulta ng halalan ay magkakaroon ng "special public meeting" sa pagitan ng BOC at sa mga nagtablang kandidato para pagdesisyunan kung alin ang gagamiting paraan.

Best-of-three ang labanan kapag coin toss.

Nitong Biyernes ay idinaan sa coin toss ang kapalaran ng dalawang kandidato sa pagkaalkalde sa Araceli, Palawan matapos magtabla ang kanilang boto noong halalan.

Tingin ni Atty. Claire Castro na mas patas ang coin toss kaysa sa mungkahi ng ibang "jack en poy."

"Mahirap 'yung jack en poy kasi meron makakabasa kung ano 'yung bukas ng magiging kamay," ani Castro sa "Usapang de Campanilla."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.