2 kawani ng BJMP na walang suot na helmet, tiniketan

Arra Perez, ABS-CBN News

Posted at May 18 2018 11:57 AM

MANILA – Hindi pinalampas ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang dalawang kawani ng Bureau of Jail Management and Penology na walang suot na helmet habang magkaangkas sa motorsiklo sa Tayuman nitong Huwebes.

Agad silang pinara at binigyan ng ticket.

Paliwanag nila na nanakawan sila ng helmet at hindi makabili ulit dahil gabi na sila nakakauwi.

Bukod sa dalawa, nabigyan din ng ticket ang isang pulis dahil walang suot na helmet ang angkas niyang anak.

Samantala, natanggal na nitong linggo lamang ang basketball court na nasa gitna ng kalsada sa Tayuman pa rin.

Ayon kay Bong Nebrija, supervising officer for operations ng MMDA, magpapatuloy ang kanilang pagsuyod sa Maynila hanggang sa maubos na ang traffic violators, gayundin ang road obstructions.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.