Lalaking nangmolestiya umano ng dalagita, kalaboso

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 06:02 AM | Updated as of May 16 2018 06:10 AM

MAYNILA - Arestado ang isang lalaki matapos umanong molestiyahin ang isang dalagita sa Quezon City.

Lumapit ang mga kaanak ng 14-anyos na biktima sa barangay nang magbanta ang 48-anyos na suspek.

Sa text message nito, sasaktan daw ng suspek ang mga kaanak ng biktima kapag hindi ito sisipot sa kanilang pagkikita kagabi.

May kondisyong attention deficit hyperactivity disorder ang biktima kaya't lubos na lang ang galit ng mga kaanak.

Pangatlong beses na umanong minolestiya ng suspek ang dalagita.

"Hinahalikan daw po siya tapos hinahawakan ang dibdib niya," ani Alphy Caballes, barangay public safety officer ng Barangay Batasan.

Depensa naman ng suspek, apat na buwan na daw silang magkasintahan ng biktima. Kakahiwalay lamang nila isang buwan ang nakararaan.

"Alam ko pong mali. Girlfriend ko po siya four months po kami," aniya. - ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.