Lalaking 'nanggahasa' ng dating asawa, arestado

ABS-CBN News

Posted at May 16 2018 07:30 AM

MAYNILA - Inaresto nitong Martes ang isang construction worker matapos umano nitong pagsamantalahan ang dating asawa sa General Trias, Cavite. 

May warrant of arrest laban sa 37-anyos na suspek dahil sa kasong rape. Mula siya sa Ormoc, Leyte at natunton ng mga pulis sa tinutuluyang bahay sa Barangay Santiago, General Trias. 

"Nag-inuman sila ng asawa niya dati tapos doon niya ginahasa," ani Senior Inspector Hilario Lacaste Jr.

Nagsama ang mag-asawa ng 12 taon pero naghiwalay nang mabuntis umano ng suspek ang isang kapitbahay. 

Depensa ng suspek, datin na siyang pinagbantaan ng dating misis na kakasuhan kung hindi niya susustentuhan ang kanilang 3 anak. 

Aniya, "Wala naman ako maibigay kaya kinasuhan na ako. Umuuwi siyang lasing, ako hindi ako lasing." 

Pareho nang may kinakasamang iba ang suspek at kaniyang dating asawa. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.